Mga Oras at Serbisyo ng ATM na Pang-internasyonal
Mga Magagamit na Card
Maaaring gamitin ang mga card na na-issue sa labas ng Japan na may mga sumusunod na logo.
- *Maaaring hindi magamit ang ilan sa mga card na mayroon ng mga nasa itaas na logo.
- *Makipag-ugnayan sa card issuer mo tungkol sa kakayahang magamit ng iyong card sa ATM na ito.
Mga Lokasyon ng mga ATM na Pang-internasyonal
Maaari mong makita ang mga lokasyon ng mga ATM na pang-internasyonal sa pamamagitan ng pag-click sa isang prefecture.
Mga Available na Serbisyo
Mga pag-withdraw (sa yen) at pagtatanong ng balanse
- –Hindi pinapayagan ang mga pagdeposito at pag-transfer.
Limit sa Pag-withdraw (kada pag-withdraw)
Hanggang 50,000 yen (sa tig-1,000 yen)
Mga Oras
- –Ang mga oras na nasa itaas ay mga oras sa mga branch na may serbisyo ng ATM sa loob ng 24 na oras bawat araw.
Maaaring mag-iba-iba ang oras depende sa branch. Nakapaskil ang mga oras sa mga sulok ng ATM. Maaari ding tingnan ang mga ito sa aming website sa "List of Branches in Japan" .
Singil
- –Walang sisingilin para sa mga pagtatanong ng balanse.
- –Kapag ginagamit ang serbisyong Dynamic Currency Conversion (tingnan sa ibaba), ilalapat ang halaga ng palitan na tinukoy ng Mizuho Bank.
- –Bilang karagdagan sa singil sa pag-handle, maaaring may singilin ang institusyong nag-issue ng card.
Serbisyong Dynamic Currency Conversion
Ang serbisyong Dynamic Currency Conversion ay isang serbisyo na tumutukoy sa halaga na na-withdraw sa currency sa sariling bansa kapag ginamit ang ATM. (Ang mga transaksyon na hindi gumagamit ng serbisyong Dynamic Currency Conversion ay isinasaayos muna sa yen, at pagkatapos ay tinutukoy ang halagang na-withdraw sa currency sa sariling bansa sa ibang araw kapag siningil ka.)
Mga Magagamit na Card
Mga Card na may MasterCard, Maestro, Cirrus na logo.
- *Hindi maaaring gamitin ang mga card na VISA at PLUS at JCB, o Discover.